Gulo sa NCAA basketball game, pinaiimbestigahan sa PNP

Gulo sa NCAA basketball game, pinaiimbestigahan sa PNP

NANAWAGAN si Manila Rep. Joel Chua sa San Juan PNP na paimbestigahan ang gulo sa NCAA basketball game nitong Martes sa pagitan ng College of St. Benilde at Jose Rizal University.

Saad ni Chua, police matter ang panununtok ng JRU forward na si John Amores sa mga manlalaro ng Benilde.

Giit ng mambabatas na Vice-Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, isang public order and safety concern ang insidente dahil ito’y nangyari sa isang public venue.

Batid din naman ni Chua na walang regulasyon at governing police intervention sa basketball games at dapat magkaroon nito.

Sa huli, giit ng kongresista na kung ginagawa lamang ng San Juan PNP ang kanilang trabaho ay dapat inaresto na ng PNP on duty sa venue si Amores o di kaya ay citizen’s arrest ang gagawin.

Follow SMNI NEWS in Twitter