Gumuhong kalsada sa Mandaluyong, patuloy na kinukumpuni

KASALUKUYAN nang inaayos ang gumuhong kalsada sa Brgy. Hulo sa Mandaluyong City matapos itong gumuho kahapon habang nagsasagawa ng pipelaying project ang Manila Water.

Sa Linggo, maaari nang madaanan muli ang gumuhong kalsada.

Mistulang nagkaroon ng sinkhole kahapon sa Coronado St., Brgy Hulo sa Mandaluyong City matapos gumuho ang malaking bahagi ng kalsada habang may isanasagawang pipelaying project ang Manila Water.

Lumambot umano ang lupa matapos makapasok sa hinuhukay na bahagi ng kalsada ang tubig mula sa Pasig River.

Sa kasalukuyan, tinambakan na ang mga apektadong bahagi ng kalsada at ginagawan na ng paraan upang hindi pumasok pa ang tubig.

Nangako ang Manila Water na tatapusin ang pagkumpuni sa loob ng tatlong araw.

SMNI NEWS