IPATUTUPAD ang gun ban sa Negros Oriental matapos ang pagpatay kay Governor Roel Degamo at walong iba pa noong nakaraang linggo.
Sa impormasyon mula sa Negros Oriental Police Provincial Office, suspendido ang lahat ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).
Tanging mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies ang pinapayagang magdala ng baril sa lalawigan.
Magtatagal ang nasabing kautusan hanggang bawiin ng kinauukulan.
Nagpapatuloy ang pagtugis ng pulisya sa iba pang sangkot sa pagpatay sa gobernador upang mapanagot sila sa karumal-dumal na krimen.