Gwyneth Anne Chua, naghain ng guilty plea dahil sa paglabag sa mandatory quarantine protocols noong Disyembre

Gwyneth Anne Chua, naghain ng guilty plea dahil sa paglabag sa mandatory quarantine protocols noong Disyembre

NAGHAIN ng guilty plea si “poblacion girl” Gwyneth Anne Chua sa kanyang paglabag sa quarantine protocols noong Disyembre 2021.

Ayon kay Makati Prosecutor Rafael Rodrigo Esguerra, pinagmulta si Chua ng P20,000.

Kaninang umaga nang humarap si Chua kay Judge Maureen Rubio-Marquez ng Makati City Metropolitan Trial Court Branch 128 dahil sa paglabag sa Republic Act 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”.

Samantala, magpapatuloy ang kaso laban sa security guard na si Esteban Gatbonton na una nang naghain ng not guilty plea.

Si Gatbonton ang security guard sa Berjaya Hotel na umano’y nagpadali sa pagtakas ni Chua mula sa quarantine facility.

Follow SMNI NEWS in Twitter