Gymnast Juancho Besana, pasok na sa world championship

Gymnast Juancho Besana, pasok na sa world championship

KUWALIPIKADO para sa vault at horizontal bar events ng Gymnastics World Championships si Juancho Miguel Besana ayon sa International Gymnastics Federation.

Sa magkahiwalay na sulat ng Gymnastics Association of the Philippines, sinabing binibigyan ng ‘MAG Apparatus Specialist quota place’ si Besana na kuwalipikado na ito sa world tourney.

Bagama’t magandang pagkakataon na ito kay Besana para sa pandaigdigang yugto ng kompitesyon ay siya rin ang inaasahang mamuno sa team para sa hamon ng Southeast Asian Games Gold (ASIAD).

Tinanggap naman ni Besana at kaniyang coach na si Reyland Capellan ang ASIAD na gaganapin sa Setyembre 24 – 29 sa 19th Hangzhou Asian Games sa China.

Samantala, pinili na sasabak muli ni Gymnast Carlos Yulo sa Fig Artistic Gymnastics World Championships sa Antwerp, Belgium sa darating na Setyembre 30.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter