MALUGOD na tinanggap ni Vice President Sara Duterte si H.E. Laure Nicole Stephani Beaufils, ang Ambassador ng United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland sa OVP Central Office.
Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ni VP Sara ang mga proyekto ng OVP, kabilang na ang mga layunin at kahalagahan ng mga ito para sa mamamayang Pilipino.
Nagpalitan din sila ng pananaw tungkol sa emergency awareness, health, at education initiatives.