PATULOY na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang habagat.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa maapektuhan ng pag-uulan ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Mararanasan din sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa ang bahagyang maulap at maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog.
Binalaan din ng PAGASA ang publiko lalo na sa mga lugar na madalas binabaha at tinatamaan ng landslide sa malalakas na pag-ulan.