AGAD na dineploy ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Team ng 24th Infantry Battalion ng Philippine Army para sa pagsasagawa ng rescue operations.
Ito ay kasunod ng magnitude 7.0 na lindol sa Abra na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Jorry Baclor, nakikipag-ugnayan na ang responding team sa Abra Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Philippine National Police (PNP) at iba pang responders para sa humanitarian assistance.
Isa ang Bangued, Abra sa pinaka naapektuhan ng malakas na pagyanig kaninang umaga.