HINIKAYAT ng Department of Health ang publiko na palakasin pa ang control measures laban sa dengue.
Kung pagbabatayan ang record simula Enero 1 hanggang Marso 1, sinabi ng ahensiya na nasa 62K (62,313) na ang dengue cases sa bansa.
Mas mataas ito ng 73% kumpara sa kaparehong panahon noong taong 2024.
CALABARZON ang may pinakamataas na kaso ng dengue at sinundan ito ng National Capital Region at Central Luzon.
Sa kabila naman ng pagtaas ng kaso ay mas mababa pa rin ang death toll ngayong taon kumpara noong 2024.
Follow SMNI News on Rumble