ISA sa mga pangunahing plataporma ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagsusulong ng ‘zero corruption’ sa gobyerno ng Pilipinas.
Inilahad ni Atty. Kaye Laurente ang mga hangarin ni Pastor Apollo sakaling maging senador.
Una ngang reresolbahin ng butihing pastor ang talamak na korapsiyon sa gobyerno sa pamamagitan ng modernisasyon.
“Number one kailangan ng clean government so sa clean government which I will also elaborate later on is doon iso-solve ‘yung corruption so after ng clean government na-solve na ‘yung corruption, then comes ‘yung strategic human resource development so ie-enhance nya ‘yung mga talent, ‘yung mga skills ng mga Filipino workers kahit ‘yung mga OFWs that they will apt to work here in the Philippines and after that pag na-develop na ‘yung mga talents and skills ng mga Filipinos then comes the third strategy for modernization and that is ‘yung kumbaga performance management naman doon nagkakaroon ng minimum standards para sa lahat ng government employees, ano ‘yung minimum standards kailangan maging accountable sila zero corruption jan din papasok and transparent rin sila so mayroong mga ethical standards they should follow so pagkatapos pag anjan na ‘yung performance management ‘yung pang-apat naman service oriented kasi well-equipped na ‘yung human resource natin so papasok na ngayon ‘yung service oriented so naka-lay down din ‘yan”
“So ‘yung panglima naman sa five modernization naman doon na papasok ‘yung self-reliant na government so kailangan pupunta tayo before we reached that self-reliant government sabi pa ni pastor kailangan maging clean government tayo,” ayon kay Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ipinahayag din aniya ni Pastor Apollo na para maisulong ang modernisasyong ito ay kailangan munang maging malinis at mapagkakatiwalaan ang gobyerno pagdating sa paghawak ng kaban ng bayan.
“Number one talaga to resolve the problem about the corruption is andun ang sa transactions magiging digitalized ‘yan so ‘pag digitalization na kumbaga sabi pa ni Pastor kasi nga strict ang anti-corruption measures natin ‘pag digitalized na ‘yan whenever you have government transactions for example you have application or renewal of licenses or magbayad ka ng taxes or even magbayad ka ng mga penalties mo kasi nga may problema ka kasi nag overspeeding ka, lahat ‘yan digitalized so hindi na dadaan sa tao ‘yung pera diretso na siya sa kaban ng bayan, that is how also you prevent corruption so diretso na ‘yung bayad sa kaban ng bayan.”
“Nais ring tanggalin ni Pastor Apollo ang liquidation by certification at palitan ng liquidation by receipt kung saan hahanapan na resibo ang bawat politiko sa gobyerno.”
“Number one na gusto rin ni Pastor is ‘yung liquidation by certification ire-repeal na ‘yan, tatanggalin na ‘yan ia-abolish na ‘yan so what’s happening right now we have this liquidation by certification wherein ‘yung Senate at ‘yung Congress pwede silang mag-liquidate lang sa lahat ng expenditures nila through certification pero that will be repealed so lahat ng nagastos, lahat ng expenditure lahat naka-itemize ‘yan, saan mo ginamit para saan ganun ka strict dapat when we go to the liquidation by certification dapat ay liquidation by receipt resibo na sya,” dagdag ni Atty. Laurente.
Ang mga liquidation na ito ay susuriin naman ng Truth Commission – na isang anti-government commission.
Ito ay bubuoin ng mga ordinaryong Pilipino.
Gusto kasi ni Pastor Apollo na mismong mga Pilipino ang sumuri kung saan ginastos ng mga lider ng bayan ang pera na mula sa buwis ng mamamayan.
“And in relation to that mayroon din syang Truth Commission so once may liquidation by certification na-find out na uy may problem dito sa liquidation nya ah, kulang-kulang, so ang magbubuo ng Truth Commission o Anti-Corruption Commission so ‘yung Truth Commission na ‘yun they will be given the power to investigate and the power also to prosecute sila rin ‘yung magga-gather ng evidence so ang maganda dito sa proposal ni Pastor if he will become a Senator of the Philippines is that ang magiging part ng commission na ito is ordinary Filipino citizens sabi pa ni pastor ang pagka-explain nya magiging para siyang jury so were talking about pera kasi, pera ng bayan,” ayon pa kay Laurente.
Ito ay ilan lamang sa mga hakbang na nais na ipatupad ni Pastor Apollo upang tuluyang masugpo ang korapsiyon na matagal nang bumibihag sa mga Pilipino.
Abangan ang iba pang plataporma ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga programa ng SMNI at alamin ang mga hakbang na nais nitong isulong para tuluyang makalaya ang Pilipinas mula sa kamay ng mga ganid at sakim na politiko.