Halaga ng piso kontra dolyar, aabot na ng P60

Halaga ng piso kontra dolyar, aabot na ng P60

POSIBLENG aabot muli ng animnapung piso ang katumbas ng isang dolyar ngayong quarter ng taon.

Ayon ito sa ulat ng Maybank research.

Kung ikukumpara, mas mataas ito mula sa 57 pesos na peso-dollar outlook nila sa nakaraang quarter.

Sa paliwanag, ang pagbaba ng piso ay nangangahulugang mas mahal na ang presyo ng mga imported na produkto.

At dahil U.S. dollars ang ginagamit na currency sa global market, ibig sabihin, kinakailangan na ng bansa na maglabas ng mas maraming piso para lamang makabili ng imports.

Nagreresulta naman ito ng mas mahal na benta ng mga imported sa mga mamimili.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble