ISINAGAWA ang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area o BIMP-EAGA Conference sa lungsod ng Maynila nitong Agosto 20.
Ang naturang event ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) kasama ang Mindanao Development Authority (MinDA) at Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT).
Ayon sa PCCI, magsisilbing mahalagang plataporma ang nasabing conference para sa pagpapalakas ng economic collaboration at investment opportunities.
Ang mga kalahok dito ay kinabibilangan ng 150 representatives mula sa apat na nabanggit na mga bansa, na kumakatawan sa mga kompanya at relevant agencies.
Sinabi ni PCCI Chairman George Barcelon na layunin nilang pagtibayin ang relasyon ng apat na bansa at palakasin ang ugnayan ng mga industriya ng pangnenegosyo.
Dagdag ni Barcelon, oportunidad rin ito para sa mga negosyante na maikalakal ang kani-kanilang mga produkto.
“Katulad tayo, may mga export tayo sa coal, brisket, at ibang bagay pa. Maraming opportunity lalo na food related.”
“Ang export natin sa BIMP EAGA is something that we hope we can increase over the years. ‘Yung nga prutas natin, meron tayong prutas na wala sila, vice versa,” pahayag ni George Barcelon, Chairman, PCCI.
Pag-develop sa halal industry, tutulong sa pagpapasigla ng turismo ng bansa
Inihayag naman ni PCCI President Enunina Mangio na ang event na ito ay nagtatampok ng local at foreign speakers, na business entrepreneurs kung saan tumatalakay ang mga ito sa mga potensiyal na pag-angat ng halal industry sa Pilipinas.
“We want the halal market or halal products, be marketed in the Philippines because the halal business in the Philippines or all over the world actually is multi-billion dollar worth,” wika ni Enunina Mangio, President, PICC.
Sa tumataas na pandaigdigang demand para sa halal na mga produkto at serbisyo, saad pa ng PCCI, kailangan ang pag-maximize ng potensiyal ng halal industry.
Hinikayat din dito ang mga stakeholder na tuklasin ang mga partnership at investment ventures sa lumalagong merkado na ito.
“First of all, we would like to propose the halal standardization among the BIMP EAGA countries. It will benefit all the private sectors to produce more halal products. As you know that halal is not only for foods and drinks but also for tourism,” wika ni Ira Kusumawardani, Chairperson, BIMP-EAGA Committee, Indonesian Chamber of Commerce & Industry.
“We see also the potential of the Philippines having 4.8 million within Mindanao’s Muslims, perhaps 15 million in total across the country, which has less of the proficience of halal product.”
“We are committed to fully support strengthening especially the connection between Mindanao regions and….and Brunei as well,” ayon kay Banjaran Indrastomo, Representative of the Chair Indonesian Chamber of Commerce & Industry.
Nabanggit din ni Mangio na ang pag-develop sa halal industry ay makatutulong na mapasigla ang turismo.
“We cannot encourage our Muslim brothers and sisters to attend this, like the members of the BIMP EAGA because we don’t have the halal quality foods. Brunei don’t eat food that are not halal quality,” wika ni Enunina Mangio, President, PICC.
Bukod sa pag-develop ng Halal Industry, kabilang din sa mga layunin ng forum ang pagpapalakas ng Regional Economic Cooperation; pagpapa-facilitate ng Investment Opportunities; pag-promote ng Cross-Cultural Understanding; at Pagtulong sa Local Enterprises.
Samantala, may ilang panawagan ang PCCI sa gobyerno para mapalakas pa ang ang trade and investment sa bansa.
“Kailangang mag-cooperate ang gobyerno sa mga negosyante na sinabi ko, ease of doing business, ‘yung infrastructure.”
“’Yung farm to market roads, ‘yung irrigation kasi ‘yung Mindanao, food basket ng bansa natin eh.”
“The government I think is cognizant, alam nila na anong dapat gawin, but we are hopeful that they will collaborate more with the chamber,” dagdag ni Barcelon.