Halal tourism, malaki ang potensiyal sa Pilipinas—DOT

Halal tourism, malaki ang potensiyal sa Pilipinas—DOT

MALAWAK ang potensiyal ng Pilipinas na maging isang premyadong halal destination sa Asya ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sa katunayan sabi ng DOT, matagal nang handa ang bansa sa pagtanggap ng mga turistang Muslim.

“Napakalaki ng potensiyal ng halal at Muslim-friendly tourism para sa Pilipinas dahil ‘yung halal tourism globally is one of the largest sectors of tourism. And its value is growing exponentially precisely because it touches upon so many countries,” pahayag ni Secretary Christina Garcia-Frasco, Department of Tourism.

Mula sa mga resort at restaurants hanggang sa mga hotel—patuloy ang paggawad ng DOT ng Muslim-Friendly certification sa mga tourism establishment at tourist spots kung saan ang kanilang mga serbisyo o negosyo ay naaayon sa paniniwala at pangangailangan ng mga Muslim.

Ngayong taong 2025, isang international airline naman ang kinilala ng DOT sa unang pagkakataon bilang isang Muslim-friendly airline.

“Nagpapasalamat tayo sa AirAsia Philippines kasi sila ang pinakauna na Muslim-friendly recognized na airline in the country,” dagdag ni Frasco.

Bilang isang Muslim-friendly airline, ipinagmamalaki ng AirAsia ang kanilang mga halal in-flight meals.

Sa taong 2024, higit 535,000 halal rice meals ang nai-serve ng AirAsia Philippines lamang.

“Can you imagine how big is the total ASEAN Airline like AirAsia Malaysia, AirAsia Thailand and the rest of AirAsia countries have expanded and educated our passengers not only in the Philippines but all over the world the importance and the quality of halal or Muslim-friendly food is,” ayon kay Ricardo Isla, CEO, Philippine AirAsia.

Sa katunayan sa kauna-unahang pagkakataon maaari nang ma-enjoy ang Beef Rendang kasama na ang sikat na chicken pastil ng Pilipinas sa loob ng eroplano.

Iyan ay matapos ilunsad ng AirAsia ang bago nilang halal in-flight meals.

Direct flights sa pagitan ng Mindanao at Kuala Lumpur, pinaplano na ng AirAsia Philippines

Samantala, hiniling naman ng Embassy ng Malaysia sa AirAsia na magkaroon na ng direct flights sa pagitan ng Kuala Lumpur at Mindanao.

Bagay na tatrabahuin ng nasabing airline ngayong taong 2025.

Paliwanag ng Malaysian Embassy, interesado ang mga Malaysian sa Mindanao dahil sa pagkakaroon nito ng mga Muslim-friendly tourist destination at mga pagkaing halal.

“Malaysian tourists would be very happy to visit Mindanao. Of course, key factors is connectivity. That is why it is very important for us to be able to work on it.”

“Malaysians are very interested to visit places like beautiful beaches and food that they can enjoy and savor,” wika ni Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino, Embassy of Malaysia to the Philippines.

“Actually, that can be a good next step to sustain our tourism activity.”

“I think we can work on it,” saad ni Ricardo Isla, CEO, Philippine AirAsia.

Samantala, asahan naman ang mas marami pang domestic flights ngayong 2025 na handog ng AirAsia partikular na sa mga sikat na destinasyon tulad ng Cebu, Boracay, at Cagayan de Oro.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter