Halloween stampede sa Seoul, South Korea, walang Pinoy na nadamay

Halloween stampede sa Seoul, South Korea, walang Pinoy na nadamay

WALANG nasaktang Pilipino sa naganap na Halloween stampede sa Itaewon District, Seoul, South Korea.

Ayon ito kay Philippine Ambassador to South Korea Theresa de Vega.

Sa kabila nito ay siniguro pa rin aniya ng Philippine Embassy na magpadala ng teams upang bumisita sa iba’t ibang mga hospital sa Seoul para silipin kung may mga Pilipinong biktima.

Ang Halloween stampede nitong Sabado sa Itaewon District ay ang kauna-unahang in-person Halloween event ng lugar simula nang mangyari ang COVID-19 pandemic.

Mahigit 150 na ang nasawi habang 200 naman ang sugatan.

 

Follow SMNI News on Twitter