NAKAKUMPLETO na ng libreng skills training program ang halos 1.5-K residente sa Caloocan City.
Layunin ng training program ang mabigyan ng kakayahan ang mga residente para magamit ito na makakuha ng trabaho.
Saklaw ng training ang massage therapy, culinary, housekeeping, welding, electrical installations, at marami pang iba.
Kaugnay nito ay nakatanggap ng sariling start-up packages ang nag-graduate.