Halos 1-K estudyante ng Rizal High School, tinuruan maging negosyante

Halos 1-K estudyante ng Rizal High School, tinuruan maging negosyante

SA layong mas marami pang estudyante ang maturuang magnegosyo, pinaplano ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na dalhin ang programang Youthpreneur sa Visayas at Mindanao.

COVID-19 pandemic nang magsimulang gumawa at magbenta ng beaded accessories tulad ng bracelet ang 17 years old at Grade 11 student na si Jovy.

Paraan aniya nito para makatulong sa kaniyang mga magulang kahit nga nag-aaral pa siya.

“Gusto ko po silang matulungan in the future kaya lahat naman po ng ginagawa ko para sa kanila,” ayon kay Jovy Borbe, Grade 11, Rizal High School.

Kasabay ng halos isang libong estudyante sa Rizal High School sa Pasig City, lumahok si Maricar sa programang Youthpreneur ng Department of Education at Go Negosyo nitong Lunes ng umaga, Abril 8, 2024.

Gusto umano niyang matuto pa at balang araw ay maging isang matagumpay na negosyante.

“Since nasabi po sa amin na marami din pong entrepreneur na professional na po at successful po ‘yung negosyo nila, alam ko pong marami po akong matutunan from them. So as an aspiring entrepreneur, gusto kong umattend para may matutunan din,” dagdag ni Borbe.

Sa ilalim ng programang Youthpreneur, sumasailalim ang mga kabataan sa mga pagsasanay kung saan tinuturuan sila ng mga mentor ng Go Negosyo kung papaano maging negosyante, itaguyod ang kanilang entrepreneurship skills, at taasan ang kanilang kaalaman pagdating sa financial literacy.

“Napakahalaga ng ating partnership with Go Negosyo at itong Youthpreneur program natin dahil kailangan nating simulan ang entrepreneurial mindset sa mga kabataan natin para matuto silang magnegosyo at makadagdag ito sa income nila. Kung sila ay may trabaho, mayroon silang negosyo. O kundi didiretso na sila sa pagiging negosyante,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Secretary, Department of Education.

“We have a good partnership with the Vice President. To me education is very important but you do not need to be extremely intelligent. You just have to be street smart. And that is what we are trying to teach them,” wika ni Joey Concepcion, Founder, Go Negosyo.

“They may not excel in their class, but still they can do well. And that’s we are gonna teach them how to do it,” ani Concepcion.

Youthpreneur, planong dalhin ni VP Duterte sa Visayas at Mindanao

Simula nang ilunsad ang programang Youthpreneur, ay isinagawa na ito sa Quezon City, Maynila, Baguio City, at Laoag para sa libu-libong kabataang nagnanais matutong magnegosyo.

Isasagawa naman ito sa Bataan sa darating na Biyernes.

Plano naman ni Vice President Duterte,

“Hopefully, madala natin sa Visayas hanggang sa Mindanao,” saad pa ni VP Duterte.

VP Duterte, nagpapasalamat sa tiwala ng mga Pilipino sa kaniya

Samantala, malaki ang pasasalamat ni VP Duterte na sa kabila ng kaliwa’t kanang isyu na ipinupukol sa kaniya ay nananatili siyang pinakapinagkakatiwalaan na government official batay sa PAHAYAG Survey ng Publicus Asia.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala ng ating mga kababayan. Unang-una sa akin personal sa pagkatao ko bilang Vice President at sa trabaho ko sa Office of the Vice President. At ‘yung suporta at pagtitiwala nila sa ating nga teaching and non-teaching personnel ng Department of Education,” dagdag ni VP Duterte.

VP Duterte, mas prayoridad ang pagtra-trabaho kaysa ang 2028 Presidential Elections

Batay naman sa Pulse Asia Survey, isa si Vice President Duterte sa mga pinagpipilian ng publiko na susunod na maging pangulo sa 2028.

Pero sagot ni Vice President Duterte,

“Napakalayo pa kasi ng 2028 para pag-usapan siya ngayon. Ang ginagawa lang natin ngayon at kailangan nating gawin lahat ay magtrabaho muna. Magcontribute tayong lahat sa nation-building,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble