UMABOT sa 13,816 bilang ng pamilya o 53,236 indibidwal ang apektado sa pagnanalasa ng Bagyong Auring sa tatlong rehiyon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa pinakahuling datos ngayon araw ng Lunes, ang mga nasabing residente ay mula sa 216 barangay sa Rehiyon 10, 11 at ng Caraga Region.
Ayon kay Mark Cashean Timbal, NDRRMC Deputy Spokesperson, 12,825 kapamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 308 na evacuation centers.
Nagresulta naman sa 179 kabahay ang nasira sa paghagupit ng bagyo sa Caraga Region lamang.
Kasalukuyang kumikilos ang Bagyong Auring sa Eastern Samar at inaasahang mag-landfall sa nasabing lugar sa susunod na anim hanggang 12 oras, ayon sa weather bureau.