HALOS 1K (984) na driver’s license ang binawi noong 2024 dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas gaya ng road rage at pagmamaneho kahit naka-inom.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), nasa 700 (736) mula sa naturang bilang ay lumabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act at saklaw nga rito ang mga pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alkohol, nagdo-droga, at pagtanggi na sumailalim sa mandatory alcohol test tuwing may road crash.
Nasa 130 naman ang kuwestiyunable kung paano nila nakuha ang kani-kanilang driver’s license.
94 ang binawian ng driver’s license dahil sa kuwestiyunableng bisa nito.
Samantala, nasa 24 ang binawian ng driver’s license dahil sa mga pagkakaroon nito ng viral videos sa social media dahil sa hindi pagsunod sa batas at iba pang complaint.