UMABOT sa kabuuang 957 na persons deprived of liberty (PDLs) sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan ang nagtapos sa Alternative Learning System ng Department of Education.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), 184 PDLs ang nakatapos ng Basic Literacy Program; 206 sa Lower Elementary; 221 sa Advanced Elementary; at 346 naman sa Junior High School.
Sinabi pa ng BuCor, nakapagtala ang ALS program ng Iwahig Prison ng 89% passing rate sa katatapos na Accreditation at Evaluation Test na isinagawa ng DepEd-Puerto Princesa City.
Ang tagumpay na ito ay patunay sa pagtutulungan ng BuCor at DepEd na makapagbigay ng inklusibong edukasyon kahit sa mga piitan.