HALOS 200 (190) na ang dayuhang POGO workers na napa-deport ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ang mga dayuhang napa-deport ay Chinese nationals na naaresto sa mga ginawang raid sa Pasay City, Cebu, Tarlac at Pampanga.
Mismong officials ng immigration at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nagdala sa foreign workers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Samantala, tinatayang nasa 20k na foreign POGO workers ang aalis sa bansa sa susunod na mga araw bago ang December 31 deadline na ibinigay sa kanila.
Hanggang nitong November 7, halos 21.8k (21,757) POGO workers na ang nag-volunteer na mai-downgrade bilang temporary visitor visas ang kanilang work visas.