Halos 3-K brgy officials na gunholders, hindi pa nagri-renew ng lisensiya ng baril—PNP

Halos 3-K brgy officials na gunholders, hindi pa nagri-renew ng lisensiya ng baril—PNP

HINDI pa nagri-renew ng lisensiya ng baril ang halos 3-K brgy officials na gunholders ayon sa Philippine National Police (PNP).

Nakikipag-ugnayan na ang PNP Civil Security Group sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mabilis at malawak na pagpapaalala sa mga barangay official sa bansa na hindi pa nakapagri-renew ng kanilang lisensiya ng baril.

Sa panayam ng media kay Civil Security Group Asst. Director PBGen. Benjamin Silo Jr., nasa halos tatlong libong barangay officials pa sa bansa na hindi tumatalima sa kanilang panawagan.

Sa kabila ng mahigpit na polisiya ng PNP para sa lahat ng barangay officials na nag mamay-ari ng baril, nagbigay muli ng konsiderasyon ang mga awtoridad para dito sa isang kondisyon.

Nauna nang pinangagambahan ng PNP na hindi sana magamit sa ilegal na aktibidad ang mga pasong lisensiya ng baril lalo pa’t ilang buwan na lang ay idaraos ang botohan sa mga barangay at SK officials sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter