PORMAL nang nanumpa ang 295 indibidwal na nais maging officer at enlisted personnel ng Philippine Navy.
Ang Joint Oath Taking and Turnover Ceremony na isinagawa sa Marine Barracks Rudiardo Brown, Fort Bonifacio, Taguig City ay pinangunahan ni Commodore Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, Chief of Naval Staff ng Philippine Navy.
Sa nasabing aktibidad, pormal na itinurn-over ng Navy Personnel Management Center (NPMC) ang 68 candidate officers na kabilang sa Naval Officers Candidate Course (NOCC) Class 38 sa naval education, training, and doctrine command.
Habang inilipat din ng NPMC sa Brigade Training and Doctrine Center (BTDC) ng Naval Combat Engineer Brigade ang 227 candidate sailors na binubuo ng Sailor Basic Course (SBC) Classes 22, 23, 24 at 25.
Sa mensahe ni Commodore Ezpeleta, binigyang-diin nito sa mga trainee ang magiging mahalagang papel nila sa isang moderno at multi-capable na Philippine Navy.
Hinimok din ng opisyal ang mga trainee na ibinigay ang kanilang buong suporta sa Navy upang matamo ang misyon at bisyon ng hukbo.