Halos 300 pamilya, nawalan ng tahanan dahil sa sunog sa Cavite

Halos 300 pamilya, nawalan ng tahanan dahil sa sunog sa Cavite

 NAWALAN ng tahanan ang halos 300 pamilya matapos nagkaroon ng sunog sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes, Enero 13, 2025.

Nagsimula ang sunog 5:26 ng umaga sa Waling-Waling St. sa Brgy. Zapote 1.

Bagamat naapula, umabot ito ng third alarm, 7:04 ng umaga.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng naturang sunog na naging sanhi ng pagkatupok ng 200 bahay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter