Halos 300K doses ng Pfizer vaccines, nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa

Halos 300K doses ng Pfizer vaccines, nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa

NAKATAKDANG dumating sa bansa ngayong araw ang dagdag na halos 300,000 doses ng Pfizer vaccines ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Donasyon mula sa COVAX Facility ang nasa halos 300 libong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division Office sakay ng  Air Hong Kong Flight LD 456 / ETA ang mga naturang bakuna na lalapag pasado mamayang 9 pm sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa huling tala nasa kabuuang 245,233,560 doses ng COVID-19 vaccines ang nakarating na sa Pilipinas.

Matatandaan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte naabot ng gobyerno ng Pilipinas ang target nitong ganap na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino laban sa COVID-19.

Follow SMNI News on Twitter