Halos 30K na barangay sa Pilipinas, drug-free na sa ilalim ng Marcos admin—PDEA

Halos 30K na barangay sa Pilipinas, drug-free na sa ilalim ng Marcos admin—PDEA

HALOS 30K (28,330) na mga barangay na sa buong bansa ang idineklarang drug-free sa ilalim ng Marcos administration.

Katumbas ito ng pagkakaaresto ng 84K (84,291) na suspek at pagkumpiska ng nasa P32.44-B na halaga ng ilegal na droga ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasa 726 drug dens na rin ang napasara mula Hulyo 1, 2022 hanggang Pebrero 29, 2024.

Sa kabila rito ay inamin ng PDEA na mayroon pang 7K (7,181) na mga barangay ang nananatiling drug-affected.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble