Halos 4.8-K katao apektado ng Kanlaon eruption, nananatili pa rin sa evacuation centers

Halos 4.8-K katao apektado ng Kanlaon eruption, nananatili pa rin sa evacuation centers

HALOS 4.8-K (4,752) katao ang nananatili pa rin sa walong evacuation centers matapos pumutok ang Bulkang Kanlaon nitong Hunyo 3, 2024.

Batay ito sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang walo na evacuation centers ay matatagpuan sa La Castellana, Negros Occidental habang ang dalawa ay sa Canlaon City, Negros Oriental.

Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakatanggap na ng kabuuang P8.5-M na ayuda ang mga apektadong pamilya mula sa kanilang ahensiya, iba’t ibang lokal na pamahalaan, non-government organizations, at iba pa.

Sa kabilang banda, nananatili pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone ng Bulkang Kanlaon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble