Halos 4 bilyon pisong perfomance based bonus, ipamahagi sa mga tauhan ng PNP para sa Fiscal Year 2022

Halos 4 bilyon pisong perfomance based bonus, ipamahagi sa mga tauhan ng PNP para sa Fiscal Year 2022

MAKATATANGGAP ng 4 bilyong pisong performance based bonus ang mga pulis para sa Fiscal Year 2022 simula ngayong araw, Hulyo a-5.

Ayon sa PNP, nasa 14,321 na mga deserving PNP personnel ang tatanggap ng PBB bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo.

Batay sa PBB criteria at conditions, kinakailangang makakuha ng kabuuang 80 points ang isang PNP personnel para mabigyan ng nasabing insentibo.

Dahil diyan, makatatanggap ang bawat kuwalipkadong pulis ng 52 porsyento ng kanilang December 31, 2002 monthly basic salary na prinoseso ng Directorate for Comptrollership at PNP Finance Service na ipadadala naman direkta sa ATM payroll accounts.

Nilinaw ng PNP, naantala lamang ang pagbibigay ng PBB para sa taong 2022 dahil sa may mga pulis na naharap sa kaso at nabigyan ng low performance sa nakalipas na 9 na buwan ng nabanggit na taon.

Umaasa naman si PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na magsisilbing inspirasyon ang naturang insentibo para sa mga pulis na buong pusong gumaganap ng kanilang tungkulin.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble