UMABOT sa 38 katao ang nasawi sa magulong protesta sa iba’t ibang bahagi ng Myanmar simula nang magkaroon ng coup ng militar noong Pebrero 1.
Libu-libong mga tao ang nagprotesta sa mga bayan at lungsod sa buong bansa sa nakaraang apat na linggo.
Hiling ng protesta sa Myanmar ang kalayaan na kanilang lider na si Aung San Suu Kyi na kasalukuyang nakakulong.
Matatandaan na humakot ng malaking boto ang National League for Democracy Party (NLD) ni Suu Kyi sa eleksyon noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Inakusahan naman ng mga lider ng militar ang pandaraya sa boto ngunit walang ebidensya upang mapatunayan ang kanilang pahayag.
Nanawagan naman ang world leaders na palayain na ang mga naihalal na lider sa Myanmar.
“The use of lethal force against peaceful protestros and arbitrary arrests is unacceptable,”ayon sa pahayag ni UN Secretary Antonio Guterres.
Samantala, nanawagan din ang Pilipinas sa agarang pagpalaya kay Suu Kyi.
“The rest of ASEAN must stand by Myanmar, ready to give what help it is asked by the people and government of Myanmar,”ayon sa deklarasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.
Pinanawagan din ng pamahalaan ang ‘complete return’ ng ‘ previously existing state of affairs’ na kung saan ay magkaagapay na mamamahala si Suu Kyi at ang militar sa bansang Myanmar.