INARESTO ang halos 400 na mga foreign national nitong Miyerkules, Enero 8, 2025 mula sa isang ni-raid na pinaghihinalaang online scam farm sa Manila.
Ayon sa Bureau of Immigration, bahagi ito sa kanilang matagal na pagmo-monitor sa mga aktibidad na mistulang isang POGO operation.
Matatandaan na noong Hulyo 2024 ay ipinagbawal na ang mga operasyon ng POGO sa bansa.
Ito’y dahil nasasangkot ito sa iba’t ibang krimen gaya ng human trafficking, money laundering, kidnapping, at iba pa.