UMABOT sa 3,887 kabahayan ang naapektuhan ng malakas na pagyanig sa Mindanao.
Ito’y bunso ng magnitude 7.4 at magnitude 6.8 na lindol na nangyari sa Surigao del Sur.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 304 kabahayan ang totally damaged, at 3,583 kabahayan ang partially damaged mula sa Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga.
Habang umabot sa P4.8-M ang halaga ng pinsala sa 266 imprastraktura.
Suspendido rin ang pasok sa 83 paaralan at trabaho sa 44 lungsod at munisipalidad sa Davao Region, at Caraga.
Samantala, idineklara ang state of calamity sa Lacasa, Hinatuan, Surigao del Sur dahil sa epekto ng malakas na pagyanig.