Halos 5-M mga Pinoy, nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

HALOS aabot na sa 5 milyong mga Pilipino ang nawalan na ng trabaho dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ito ay ayon mismo kay Department of Labor and Employment Sec. Silvestre “Bebot” Bello III.

Ayon pa kay Bello, mas lumiit na ang bilang ng mga nawalan ng trabaho dahil na-rehire na ang iba sa mga ito.

Aniya, as of December halos limang milyon na lamang ang wala pa ring trabaho.

Dahil dito, nananawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa gobyerno ng wage subsidy para sa mga jobless.

Sa ngayon, plano ng DOLE na akuin ang 25-50% ng kanilang sweldo bilang wage subsidy.

May panukala na rin ang DOLE na maglaan ng P40-B para sa Bayanihan 3.

Sa ilalim naman ng 2021 budget, P19-B ang inilaan para sa mga nawalan ng trabaho at P3-B naman para sa Department of Tourism.

Ito ay para matulungan makaahon ang mga jobless sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

SMNI NEWS