Halos 50 na bilanggong mga Muslim, pinalaya ngayong Ramadan

Halos 50 na bilanggong mga Muslim, pinalaya ngayong Ramadan

PINALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 46 na mga bilanggong Muslim kasabay ng paggunita ng mga ito ng Ramadan ngayong taon.

Noong Marso 11 nang ito ay palayain ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.

Batay sa kaniyang ibinahaging impormasyon sa isang meeting nitong buwan, kasama si Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarin Centi Tilla.

Sinabi na rin nito na sa Abril 3 update ng Board of Pardons and Parole for Executive Clemency, mayroon pang 23 mga bilanggong Muslim ang inirekomendang palayain.

Sa kabuuan, mula nang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nasa 754 Muslim PDLs na ang napalaya nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble