Halos 500 bilanggo sa NBP sa Muntinlupa, inilipat sa Davao

Halos 500 bilanggo sa NBP sa Muntinlupa, inilipat sa Davao

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na pormal nang nailipat sa Davao ang panibagong batch ng mga persons deprived of liberty (PDL).

Nabatid na umabot ng halos 500 mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) ang inilipat na sa Davao Prison and Penal Farm.

Ipinaliwanag naman ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na ang paglilipat ng mga PDL ay bahagi pa rin ng programa ng BuCor para i-decongest ang pambansang piitan.

Sa kabuuan, 450 na mga bilanggo ng NBP ang nailipat na sa Davao, kabilang na ang 250 PDLs mula sa Maximum Security Camp, 200 naman ang nagmula sa Reception and Diagnostic Center.

Follow SMNI NEWS on Twitter