Halos 5,000 pamilya, magdamag nanatili sa evacuation centers sa Valenzuela

Halos 5,000 pamilya, magdamag nanatili sa evacuation centers sa Valenzuela

UMABOT na sa 4,839 na pamilya na katumbas ng 18,868 na indibidwal ang nananatili ngayon sa mga evacuation center sa lungsod ng Valenzuela.

Sila ang mga pamilya na lubos na naapektuhan ng pagbaha sanhi ng pag-ulan dulot ng Habagat na pinalakas pa ng Bagyong Carina.

Batay sa datos ng Valenzuela local government unit, pinakamaraming pamilya ang pansamantalang nananatili sa Skyline Covered Court sa Veinte Reales na nasa 405 na pamilya.

Nabatid na ang nasabing barangay ay malapit sa ilog ng Meycauyan na biglang umapaw sa kasagsagan ng malakas na ulan kahapon.

Samantala, bukod naman sa mga paaralan at basketball court ay ginawa na rin pansamantalang evacuation centers ang mga barangay hall, function hall, villa, multi-purpose hall at 3S centers ng Valenzuela LGU.

Ito’y para ma-accommodate o magkasya ang mga indibidwal na inilikas kung saan patuloy silang inaalalayan ng lokal na pamahalaan at minomonitor din ang kanilang kalusugan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble