Halos 50K estudyante sa Negros Islands, apektado ng Bulkang Kanlaon

Halos 50K estudyante sa Negros Islands, apektado ng Bulkang Kanlaon

HALOS 50K (49,577) mula sa 88 paaralan sa Negros Islands ang apektado sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

Ang mga ito ayon sa Department of Education (DepEd) ay nagpatupad na muna ng Alternative Delivery Modes (ADM).

Hanggang nitong Enero 5, 2025 ay isinailalim sa state of calamity ang Negros Oriental at Occidental.

Nasa 4,325 na pamilya o 13,920 katao ang nananatili rin sa 34 evacuation centers sa Negros Occidental at Negros Oriental.

Disyembre 9, 2024 nang pumutok ang Bulkang Kanlaon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble