Nasa 4,700 police personnel ang nakatakdang ipakakalat ng Quezon City Police District (QCPD) ngayong nalalapit na paggunita ng Araw ng mga Patay o UNDAS.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng QCPD sa kanilang paghahanda sa UNDAS para sa seguridad ng publiko laban sa mga masasamang loob.
Bukod sa mga sementeryo at kulombaryo, magtatalaga rin ang PNP ng mga tauhan nito sa mga places of convergence gaya ng Terminal ng Bus, MRT/LRT.
Magiging katuwang rin ang mga pulis sa pagmamando ng trapiko para sa mas maayos na daloy ng mga sasakyan patungo sa sementeryo at pabalik sa kani kanilang mga tahanan.
Nag-iwan rin ng paalala ang Pulisya sa mga deboto na ipagbigay alam ang mga kahina hinalang kilos ng isang tao para maagapan ang anumang posibleng krimen.
Agahan rin anila ang pagtungo sa mga sementeryo upang maiwasang makipagsiksikan rito.