NASA 56 katao na ang nasawi sa India dahil sa heat stroke.
Batay ito sa government data mula buwan ng Marso hanggang Mayo ngayong taon.
Tinatayang nasa 50 degrees Celsius ang madalas na nararanasang temperatura ng New Delhi at Rajasthan dahilan para umabot na rin sa 25 libong kaso ang pinaniniwalaang kaso ng heat stroke.
Sa kabilang banda, sa Assam, East India ay nasa 14 katao naman ang nasawi dahil sa pananalasa ng Cyclone Remal sa bansa.