UMABOT na sa 1,511 pamilya o 5,903 indibidwal ang naaapektuhan ng Bagyong Betty.
Batay ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Nagmula ang mga apektadong residente sa 47 barangay sa Region 2, Region 6 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nasa 875 pamilya o 3,479 indibidwal ang sumisilong sa 20 evacuation centers.
Habang ang iba pang apektadong residente ay pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kaanak.
Apektado naman ang operasyon ng 47 pantalan sa ilang rehiyon kung saan 29 ang nasa MIMAROPA.
Samantala, stranded ang 222 pasahero at 122 rolling cargoes sa Region 8.