HALOS anim na libo (5,844) na mga paaralan na sa buong bansa ang nagsuspinde ng kanilang in-person classes dahil sa nararanasang matinding init.
Sa datos ng Department of Education (DepEd), sa Central Luzon ang may pinakamaraming nagsuspinde.
Sinundan ito ng Central Visayas, SOCCSKSARGEN, Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.
Sinabi na ni Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte na maaaring magpatupad ng distance learning o online classes ang mga paaralan lalo na kung hindi kakayanin ng mga mag-aaral ang init.