Halos 7,000 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH

Halos 7,000 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health ng 6, 958 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa mga naunang tala ng kagawaran, kahapon ang may pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 136, 638 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Nasa 66, 186 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19.

Nadagdagan din ng 633 ang bilang ng mga nakarekober dahilan para umakyat sa 68, 159 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Sa ngayon, nasa kabuuang 2, 293 ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng dalawamput apat ng nasawi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.