Halos 80 katao nasawi sa Congo dahil sa mga pagbaha, paglubog ng mga bangka

Halos 80 katao nasawi sa Congo dahil sa mga pagbaha, paglubog ng mga bangka

AABOT na ngayon sa 77 katao ang nasawi sa Congo bunsod ng malawakang pagbaha at mga insidente ng paglubog ng bangka.

Sa breakdown, ayon sa Interior Ministry ng Congo, 48 katao ang namatay mula sa tatlong bangka na lumubog sa Lake Tumba noong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.

Nasa 29 naman ang nasawi nitong weekend dahil sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Kinshasa.

Samantala, mahigit 100 katao pa ang nawawala mula sa mga lumubog na bangka.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble