UMABOT na sa halos 90,000 kilo ang mga recyclables na nakolekta ng Mobile Materials Recovery Facility (MMRF) “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” bilang proyekto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula Enero hanggang Hunyo 27, 2023.
Ayon sa MMDA, mahigit P300-K halaga na ng mga grocery items ang naipamahagi sa mga nag-ipon at nagpapalit ng kanilang recyclables.
Sa ilalim ng proyekto, may katumbas na puntos ang mga malinis na recyclables gaya ng pet bottles, papel, at mga lata na maaaring ipalit sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng asukal, mantika, at de lata.
Ang MMRF ay isa sa waste management initiatives sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1, kung saan kabahagi ang MMDA na may layuning mabawasan ang pagbaha sa Kamaynilaan.