Halos 90 katao, nasawi sa Northern Afghanistan dahil sa flash flood

Halos 90 katao, nasawi sa Northern Afghanistan dahil sa flash flood

UMABOT na sa halos siyamnapu (84) ang nasawi sa nangyaring flash flood sa Northern Afghanistan dahil sa matinding ulan.

Ilang daan katao na rin ang missing ayon sa Taliban na siyang namamahala sa naturang bansa.

Partikular na apektado ng flash flood noong Biyernes at Sabado ang apat na distrito ng Faryab Province at Ghor.

Tinatayang nasa 1,500 na kabahayan at ilang daang ektarya ng sakahan ang napinsala ng baha.

Nasa 300 mga hayop naman ang nalunod dahil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble