NASABAT ng PNP Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) ang halos 900 kilo na shabu sa Tondo, Maynila.
Ayon sa PNP, nagkakahalaga ito ng 6.8 bilyong piso.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, isang pulis ang sangkot sa isinagawang buy-bust operation.
May-ari ang pulis ng isang lending company kung dito rin isinasagawa ang bentahan ng iligal na droga.
Inakala ng nagpanggap na poseur buyer na dalawang kilo lamang ang kanilang mabibili sa suspek, nang bumulaga sa kanila ang bulto-bultong pinaghihinalaang shabu.
Ito na ang pinakamalaking bulto ng iligal na droga na nasabat ng mga awtoridad sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Pagkatapos ng imbentaryo, agad na dadalhin sa PNP Crime Laboratory ang mga ebidensiya.