Halos 96% SIM owners, rehistrado na—DICT

Halos 96% SIM owners, rehistrado na—DICT

UMAABOT sa 95% – 96% ng SIM card owners ang nakapagparehistro na ng kanilang SIM card.

Ayon sa ulat, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, nasa 95-M hanggang 96-M na ang rehistradong SIM card simula Mayo 10.

Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na hangad ng gobyerno ang 100% rehistrado ng 168-M SIM owners nitong Abril.

Pinalawig ito nang aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang 90-day extension ng SIM registration period.

Awtomatikong ma-deactivate ang mga SIM card kapag hindi maiparerehistro sa itinakdang extended period.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter