47% sa mga Pilipino ang naniniwala na uunlad ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Batay ito sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 14 hanggang 23, 2024.
Mula sa survey, nasa 40%naman ang nagsasabing walang mangyayaring pagbabago sa kanilang buhay ngunit 5% lang ang nagsasabi na lalala pa ang kanilang estado.
Ang natitirang 8% ay neutral sa issue.
Nasa 1, 500 ang respondents sa naturang survey.