Halos P1.18-B na halaga ng undocumented vape products at general merchandise, natuklasan ng customs sa Valenzuela City

Halos P1.18-B na halaga ng undocumented vape products at general merchandise, natuklasan ng customs sa Valenzuela City

SA ulat ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng letter of authority at pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard-Task Force Aduana, at lokal na pamahalaan, natuklasan ang mga undocumented products sa isang ware house sa Brgy. Canumay West, Valenzuela City noong Huwebes, Maraso 13.

Kabilang dito ang higit isandaan at walumpung libong unit ng disposable vapes at higit walumpung libong vape pods.

Mayroon ding mga ukay-ukay, electronic accessories, Chinese foodstuffs, office furniture at iba pa.

Pansamantalang isinara ng customs ang naturang warehouse sa pagpapatuloy ng inventory at legal proceedings.

Binigyan naman ng ahensya ng labing limang araw ang may-ari ng mga natuklasang kontrabando para ipakita ang katibayan ng pagbabayad ng buwis at taripa.

Sakaling mabigo ang may-ari, ay kukumpiskahin ang mga importable goods.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble