NAG-abot ng P9.8-M na tulong ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD-FO 1) sa Philippine Carabao Center sa Mariano Marcos State University (PCC MMSU) sa Batac City, Ilocos Norte.
Ito ay isinagawa nitong Martes sa Operations Center ng DSWD FO 1.
Ang pag-turn over ng pondo ay naging matagumpay sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement na gagamitin sa pagpapatupad ng milk feeding para sa Calendar Year 2023-2024.
Aabot naman sa mahigit 3,500 na child development center pupils mula sa 13 local government units ng 4th at 5th class municipalities ng Ilocos Sur at Ilocos Norte ang inaasahang makinabang sa programang ito.
Ito ay opisyal na tinanggap nina Ms. Melinda galacgac at Mari Joan Nefulda, mga representante ng PCC MMSU.