Halos P400-K, halaga ng mga nakumpiskang illegal firecrackers ng NCRPO

Halos P400-K, halaga ng mga nakumpiskang illegal firecrackers ng NCRPO

HALOS P400-K ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na paputok ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Katumbas ito ng 11,101 na illegal firecrackers.

Sa tala, 5,947 mula sa kabuuang bilang ay nakumpiska ng Quezon City Police District; 1,228 mula sa Northern Police District; 1,103 mula sa Eastern Police District; 292 mula sa Manila Police District; at 225 mula sa Southern Police District.

Nasa 2,381 ang naitala ng Regional Special Operations Group.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble