NAKAKUHA ang Pilipinas ng halos P437M (P436,970,868) na sales leads mula sa ginawang World Travel Market (WTM) 2024 ayon sa Department of Tourism (DOT).
Katumbas ito ng 466 sales leads at 41 onsite bookings.
Mas mataas anila ang naturang resulta ng P178M kumpara sa kanilang datos noong nakaraang taon.
Ang delegasyon ng Pilipinas sa naturang event ay binuo ng 22 indibidwal kabilang ang ilang tour operators, destination management companies, hotel, at resorts.
Pinangunahan naman ito ng DOT at Tourism Promotions Board Philippines.
Isinagawa ang WTM 2024 noong Nobyembre 5 hanggang 7 sa Excel Convention Center, London.